GENERAL TRIAS, Cavite–Anim na hindi nakilalang kalalakihan ang tumambang at nangholdap sa isang lalaki, bandang 10 ng gabi, Agosto 16, 2009.
Kinilalang si Aldwin R. Capili, 23 anyos na biktima, residente ng Kanutuhan 11 San Francisco Gen. Trias ang nagreport dakong 11:14 ng gabi sa tanggapan ng Pulisya ng General Trias.
Ayon dito, nglalakad diumano siya sa madilim na parte ng Brgy. Kanutuhan 11 pauwi ng bahay habang nagte-text, nang biglang may dalawang lalaki ang lumapit at umakbay sa kanya. Buong akala ni Aldwin ay kakilala lamang niya, laking gulat na lang nito ng may maramdamang matulis na bagay ang nakatutok sa kanyang tagiliran at nagdeklarang holdap.
Binalak ng biktima na manlaban sana ngunit hindi lang pala dalawa kundi anim ang mga ito na nasa iba’t ibang puwesto lamang.
Nilisan ng grupo ang biktima tangay ang pitaka na naglalaman ng driver’s license at Php 1, 320 na pambayad sana sa inuupahang bahay. Nalimas din ang Nokia 1100 cellphone unit na hawak nito ng mga oras na iyon.—Kimberlyn Rodil
No comments:
Post a Comment